Kulturang Baliwagenyo, magniningning ngayong 20th Buntal Festival!
Kulturang Baliwagenyo, magniningning ngayong 20th Buntal Festival!

Ngayong buwan ng Mayo, pinakaaabangan hindi lamang ng mga Baliwagenyo kundi maging ng mga turista ang kapana-panabik na isang linggong pagdiriwang ng 20th Buntal Festival sa pamamagitan ng isinulong na temang, “Sama-sama sa Patuloy na Pagningning ng Kulturang Baliwagenyo”, sa darating na ika-27 hanggang ika-31 ng Mayo.

Narito ang mga nakatakdang gawain para sa mas masaya, makulay at maningning na pagdiriwang ng 20th Buntal Festival 2024:

MAY 27, 2024

  • Brass Band Parade
  • Opening of Buntal Festival
  • Opening of Skater Competition
  • Awarding Ceremony of 4th MFVE Mobile Legend Tournament
  • Grand Zumbaliwag
  • Gay Queen of Baliwag Coronation Night

MAY 28, 2024

  • Saludo sa Baliwagenyo: Constituent Achievers’ Night
  • Ico and Lety Cruz Art Competition (On-the-Spot Painting)
  • Ico and Lety Cruz Art Competition (Awarding Ceremony and Exhibit Opening)

MAY 29, 2024

  • Kalupkop 2: Furniture Exhibition
  • Obra Moda 2: (Likhang Baliwagenyo)
  • Dangal ng Baliwag

MAY 30, 2024

  • Barangay BIDA (Parangal sa mga Natatanging Barangay)

MAY 31, 2024

  • Farmers’ Day

Ang Baliwag Buntal Festival ay hindi lamang tumutukoy sa natatanging sombrerong tatak Baliwag bagkus ito ay sumasalamin sa komersyo, kahusayan, kalinangan at kaunlaran na tila mga habi na kanilang dinala saanmang larangan o paggawa sila mapadpad.

Tara na! Makisaya sa Buntal Festival 2024!

#BaliwagCity

#BaliwagBuntalFestival2024