Mainit na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag ang Bulacan Environment and Natural Resources Officers Association (BENROA) na nagsagawa ng kanilang buwanang pagpupulong, noong ika-27 ng Hunyo.

Sa kanilang pagpupulong, kabilang sa mga tinalakay ay ang nalalapit na  pagsasagawa nila ng basketball tournament na gaganapin sa ika-2 ng Hulyo sa Baliwag Star Arena. Bukod dito, pinag-usapan din ang kanilang proyekto sa paggawa ng Coffee Table Book, Assessment/Capability Development Training, at Poster Making Competition.

Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag sa pagsuporta sa kanilang mga adbokasiya at proyekto na nagpapakita ng pagkakaisa at dedikasyon sa pagpapabuti ng kapaligiran at kalikasan. Ito ay upang higit pang palakasin ang kanilang layuning magdulot ng positibong pagbabago sa komunidad.