MALACAÑANG — Alinsunod sa inilabas na proklamasyon ng pangulo blg. 368, idineklarang regular holiday sa buong bansa ang Hunyo 12, 2024, araw ng Miyerkules bilang paggunita sa ika-126 na Kalayaan ng Pilipinas. Isang mahalagang araw para sa bansa na naglalayong gunitain ang proklamasyon ng kalayaan mula sa pananakop ng Espanya noong 1898.
Bukod dito, idineklara rin ng pangulo ang Hunyo 17, 2024, araw ng Lunes, bilang ‘Regular Holiday’ upang gunitain ang Eid’l Adha o ang Feast of Sacrifice sa bisa ng Proklamasyon Blg. 514. Ang proklamasyong ito ay nagpapakita ng pagkilala ng pamahalaan sa kahalagahan ng mga relihiyosong okasyon sa iba’t ibang sektor ng lipunan, at layuning magbigay ng pagkakataon sa mga Pilipinong Muslim na ipagdiwang ang kanilang mga tradisyon at paniniwala.