Mainit na sinalubong ng Pamahalaang Lungsod ang pagbisita ng Senior Citizen Officers mula sa bayan ng Pura, Tarlac upang magsagawa ng kanilang benchmarking activity, noong ika-28 ng Pebrero.

Sa pangunguna ni CSWDO Head Mr. Gerard Mhel Tolentino, ibinahagi sa kanila ang iba’t ibang serbisyo at programang handog ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag para sa senior citizens. Kabilang dito ang Hatid Kalinga Program, Expanded Local Social Pension for Indigent Senior Citizens, Birthday Treats, Pamaskong Handog food packs, at mga espesyal na aktibidad tuwing selebrasyon ng Federation of Senior Citizens Association Baliwag Chapter (FSCAB) at Elderly Week.

Lubos namang nagpahayag ng pasasalamat ang delegasyon mula sa Pura, Tarlac sa mainit na pagtanggap at pagbabahagi ng mahahalagang impormasyon na makakatulong sa pagpapaunlad ng kanilang sariling mga programa para sa senior citizens.

Patuloy nating isusulong na palawakin at pagandahin pa ang mga serbisyo para sa mga lolo at lola upang matiyak na mas maraming senior citizens ang makinabang sa ating mga programa.

Welcome po sa Baliwag City!

#BaliwagCity
#FederationOfSeniorCitizensAssociationBaliwagChapter
#SeniorCitizensOfPuraTarlac
#BenchmarkingActivity