Pagtatapos ng Bulakenyo TESDA STEP Scholars, ipinagdiwang sa Baliwag City kasabay ng kaarawan ni Sen. Joel Villanueva
Pagtatapos ng Bulakenyo TESDA STEP Scholars, ipinagdiwang sa Baliwag City kasabay ng kaarawan ni Sen. Joel Villanueva

Kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Senator Joel “TESDAMAN” Villanueva noong ika-2 ng Agosto, ay idinaos din ang pagtatapos ng mga scholars sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Special Training for Employment Program (STEP), sa Baliwag Star Arena.

Mula sa kabuuang 5,249 Bulakenyo scholars, umabot sa 2,500 ang matagumpay na nagtapos sa Baliwag City, kung saan nasa 1,000 rito ay mga Baliwagenyo. Bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng kani-kaniyang toolkits bilang panimula sa kanilang hanapbuhay.

Mainit na pagbati ang ipinaabot ni Mayor Ferdie V. Estrella kay Sen. Villanueva sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Ipinagmalaki rin niya ang dugong Bulakenyo ng senador at pinasalamatan niya ito sa inisyatibo na bigyan ng starter toolkits ang mga scholar, bukod pa sa libreng training at certificates na kanilang natanggap.

Nag-iwan naman ng makabuluhang mensahe at inspirasyon si Sen. Villanueva sa mga nagsipagtapos. Hinikayat niya ang mga ito na magtiwala sa kanilang sariling kakayahan at huwag sumuko sa kanilang mga pangarap. Ibinahagi rin niya ang kanyang bagong programa para sa mga scholars.

Dumalo rin sa programa sina TESDA Provincial Director Melanie Grace Romero, Bulacan Association of Technical Vocational Schools (BATVS) President Edgardo Santiago, Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Teodoro Gatchalian, Guiguinto Mayor Agatha Cruz, at Calumpit Mayor Lem Faustino.

#BaliwagCity

#DugongBaliwagPusongBaliwag

#HappyBdaySenJoel