Nagpamalas ng kanilang husay at galing sa larangan ng musika at sayaw ang mga natatanging Baliwagenyo na nakiisa sa ginanap na Gabi ng Paglalala at Pag-alaala noong ika-24 ng Mayo, sa Waltermart Baliwag.

Kabilang sa mga nagtanghal ay ang Banda 14 Brass Quintet, Cuerdas Rondalla, BTECH Singing Ambassadors, Hinabing Himig Baliwagenyo, Vox Animae, BTECH Folk Dance Troupe at hindi rin nagpahuli ang mga musikerong sina Aija Carys Castro at Aitan Castro.

Tampok din sa pagdiriwang ay ang bahagi mula sa docufilm ukol sa bantog na musikerong si Antonino Buenaventura, bilang pag-alaala sa kanyang malaking kontribusyon sa larangan ng musikang Pilipino at ang pagiging bahagi niya sa kasaysayan ng bansa.

Ang espesyal na kaganapang ito ay bahagi ng mga aktibidad bago ang opisyal na pagbubukas ng 20th Buntal Festival 2024. Ito rin ay nagsisilbing inspirasyon sa mga Bulakenyong nagnanais na maging isang matagumpay na musikero sa hinaharap.

#BaliwagCity

#BaliwagBuntalHatFestival