Sa ika-50 selebrasyon ng buwan ng nutrisyon, isang culminating activity ang isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, upang bigyang kahalagahan ang nutrition programs ng lungsod, katuwang ang mga barangay at ibang organisasyon sa pagse-serbisyo, noong ika-30 ng Hulyo, sa City Conference Hall.
Nakiisa sa aktibidad ang mother leaders, mga miyembro ng Lingkod Lingap sa Nayon (LLN), at nutrition committee mula sa mga barangay ng Concepcion, Piel, at Calantipay.
Pinangunahan naman ni City Nutrition Action Office (CNAO) Head Brenda Balaga, ang presentasyon tungkol sa kanilang updated City Nutrition Action Plan 2023-2025, na kinabibilangan ng pillars para sa healthier diet, better nutrition practices, improved access & quality nutrition services at enabling environment.
Sa panunungkulan ni Mayor Ferdie V. Estrella simula 2016, matagumpay niyang naiangat sa ikalawang ranggo ang lungsod sa larangan ng nutrisyon, mula sa pang-18 na pwesto bago siya maupo sa pwesto, sa pamamagitan ng maayos na pamamalakad ni CNAO Head Ms. Brenda Balaga, mga barangay, at mga sponsor ng kanilang programa.
“Masaya po ako dahil ngayon, hindi lamang po sa buong Bulacan kinikilala ang Baliwag sa larangan ng nutrisyon. Ito po ay collective effort nating lahat, kaya ‘di po natin aangkinin ang karangalang ito, ang karangalan pong ito ay para sa ating lahat na Baliwagenyo na tunay na nagtrabaho para maitaas ang antas ng nutrisyon dito sa ating lungsod “, ani Mayor Ferdie.
Kasunod nito ay isinagawa naman ang paglagda sa Pledge of Commitment ng iba’t ibang partner agencies ng ahensya upang patuloy na maghandog ng serbisyong may malasakit sa mga Baliwagenyo, sa larangan ng nutrisyon. Matapos nito ay ginawaran ng pagkilala ang mga natatanging mother leader, LLN, Barangay Nutrition Council
Mga Natatanging Mother Leader (ML):
• Most Outstanding Mother Leader: Brgy. Sulivan – ML Adelaida Clarin
• 2nd runner-up: Brgy. Calantipay – ML Maribel Martin
• 3rd runner-up: Brgy. Concepcion – ML Jamaica Ramirez
Mga Natatanging Lingkod Lingap sa Nayon (LLN):
• Most Outstanding LLN: Brgy. Concepcion – LLN Maria Lourdes Cartajena
• 2nd runner-up: Brgy. Piel – LLN Raquel Tolentino
• 3rd runner-up: Brgy. Calantipay – LLN Maricaren Dela Cruz
Mga Natatanging Barangay Nutrition Council (BNC):
• Most Outsanding BNC: Brgy. Concepcion
• 2nd runner-up: Brgy. Piel
• 3rd runner-up: Brgy. Calantipay
Samantala, ipinagkaloob naman kay Brgy. Concepcion Kap. Mario Catap, ang Special Citation Award, bilang pasasalamat sa kanyang pagsusumikap sa pagpapatupad ng mga programa sa nutrisyon sa kanyang barangay na nagbunga ng malaking pagbabago sa pagpapabuti ng kalagayan ng nutrisyon sa kanilang komunidad.
Dumalo din sa pagtitipon sina Vice Chairperson for Nutrition, Kon. Marie Nelle Imperial na nagbahagi ng kanyang makabuluhang mensahe. Gayundin sina City Administrator Mr. Enrique V. Tagle, SK Federation President Jerome Gonzales, si Dr. Benielyn Aristo na kinatawan mula Parent-Teacher Association (PTA) Federation, si Ms. Lanie at Sir Dante Cuevas na may-ari ng Cuevas Bakeshop, Philippine Dental Association National Sec. Dra. Loretta Cabrera.
#BaliwagCity
#SerbisyongMayMalasakit