Para panatilihin ang kaayusan at kaligtasan sa bawat barangay sa lungsod ng Baliwag, isinagawa ang Liga ng mga Hepe Monthly Regular Meeting noong ika-14 ng Nobyembre sa City Conference Hall.

Pinangunahan ni City Peace and Order Council (CPOC) Vice Chairperson Konsehal Antonio “Tony” Patawaran ang pagpupulong kung saan ibinahagi ng Baliwag City Philippine National Police (PNP) ang dumaraming kaso ng “Basag Kotse” modus sa lungsod. Hinimok din nila ang mga hepe na makipagtulungan sa kanila para maiwasan ang pagtaas pa ng bilang ng kasong ito at mapadali ang paghuli sa mga gumagawa nito.

Samantala, nakiisa rin sa pagpupulong si Mommy Sonia V. Estrella upang personal na makilala ang mga hepe sa bawat barangay at pasalamatan sa kanilang matapang na pagganap sa kanilang tungkulin sa kanilang barangay.

Sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella, ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag ay patuloy sa pagtutok sa kaso ng “Basag Kotse” sa lungsod upang sugpuin ito. Patuloy din ang pakikipagtulungan sa bawat departamento ng pamahalaan na may kaugnayan sa paglutas ng iba’t ibang kaso ng kriminalidad para sa pagsulong ng mapayapa at maayos na lungsod.

#BaliwagCity