Sa makasaysayang pagbubukas ng kauna-unahang Baliwag City Athletic Meet 2025 noong Enero 27, inanunsyo ni Mayor Ferdie Estrella ang naghihintay na cash incentives kada medalya para sa mga atletang Baliwagenyo na mag-uuwi ng karangalan sa lungsod sa darating na Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) at Palarong Pambansa.
Narito ang mga insentibong nakalaan kada medalya sa CLRAA:
- Bronze Medal – Php 5,000
- Silver Medal – Php 10,000
- Gold Medal – Php 15,000
Samantala, mas malalaking gantimpala ang naghihintay para sa mga mag-uuwi ng kada medalya sa Palarong Pambansa:
- Bronze Medal – Php 10,000
- Silver Medal – Php 20,000
- Gold Medal – Php 30,000
Bukod dito, nagbigay rin ng inspirasyon si Mayor Ferdie sa mga atletang kalahok sa City Meet. Aniya, “Galingan ninyo ang inyong ginagawa, at balang araw ay mangangarap tayong lahat na magkaroon ng isang Olympian mula sa Baliwag—isang atletang magbibigay ng karangalan hindi lamang sa bansang Pilipinas kundi dito mismo sa ating lungsod. Good luck at advance congratulations sa inyong lahat!”
Ito ay bahagi ng adbokasiya ni Mayor Ferdie na higit pang palakasin ang sports development sa Baliwag, na ngayon ay isang ganap na lungsod. Sa pagiging lungsod, nagkaroon ng direktang daan ang mga atletang Baliwagenyo mula City Meet patungong CLRAA at Palarong Pambansa, na nagbibigay ng mas malaking pagkakataon sa mga atleta na makipagtagisan ng husay sa rehiyon at sa buong bansa.
Kabilang din sa mga nakiisa at nagbahagi ng kanilang mainit na pagbati sa mga atletang Baliwagenyo para sa opisyal na pagbubukas ng 1st Baliwag City Athletic Meet 2025 ay sina Congw. Ditse Tina Pancho at Vice Gov. Alex Castro.
Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Ferdie, sa mga atletang Baliwagenyo upang masiguro ang kanilang tagumpay sa bawat kompetisyon at maipamalas ang galing sa buong Pilipinas at buong mundo.
#BaliwagCityAthleticMeet2025
#BaliwagHenyoNumeroUno