Mayor Ferdie, naghandog ng sorpresa sa mga Gurong Baliwagenyo sa pagdiriwang ng World Teachers' Day
Mayor Ferdie, naghandog ng sorpresa sa mga Gurong Baliwagenyo sa pagdiriwang ng World Teachers' Day

Binigyang pugay ang mga gurong BaliwagHenyo ng Schools Division Office (SDO) of City of Baliwag, sa kanilang kauna-unahang World Teachers’ Day Celebration, na may temang “Together4Teachers: Attention, Appreciation, Admiration, Approval”, noong Oktubre 3, sa Baliuag University (BU) Gymnasium.

Katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella, ang programang ito ay isinakatuparan upang kilalanin ang dedikasyon ng public school teachers sa lungsod. Kaugnay nito ay nagbahagi ng kanyang mainit na pagbati si Mayor Ferdie para sakanila.

“Happy Teacher’s Day po sa inyong lahat. Alam po ninyo, talaga namang ngayong araw na ito alam ko masaya po tayong lahat sapagkat araw ng mga guro ang ating sine-celebrate. Pero sa tingin ko, ay kulang po ang isang araw para i-celebrate natin ang lahat ng sakripisyo at lahat ng pagmamahal na binibigay ninyo, bilang isang guro, sa inyong mga estudyante dahil araw-araw paggising niyo pa lang sa umaga, syempre ang iniisip niyo na, kayo ay makapagbigay ng kaalaman sa inyong mga estudyante. Tama po ba? Kaya naman ngayong araw na ito ay espesyal, dahil sa dinami-dami ng araw, ay buti meron tayong Teacher’s Day, at sa totoo po, ito yung panahon na talaga naman pong dapat lamang na kilalanin natin ang ating mga guro, dahil sa pagmamahal at sakripisyo na ibinibigay po ninyo sa inyong mga tinuturuan.” ani Mayor Ferdie.

Hinandugan din sila ni Mayor Ferdie ng grocery packs para sa lahat ng pampublikong guro sa Baliwag, at karagdagang papremyo mula sa kanila ng kanyang ina na si Mommy Sonia V. Estrella, upang ipadama ang Alagang Estrella para sa mga gurong BaliwagHenyo.

Maliban dito, naghanda rin ang programa ng iba’t ibang sorpresa at raffle prizes na ihahandog sa mga guro. Binigyang pagkilala rin ang mga posthumous awardees, mga gurong ilang dekada nang naglilingkod sa pagtataguyod ng edukasyon sa lungsod, gayundin ang mga retired public school teachers.

Layunin ng programang ito na maiparamdam at maipakita sa mga guro ang kanilang kahalagahan bilang nagsisilbing bayani na naghahatid ng Serbisyong May Malasakit para hubugin ang kaalaman ng mga kabataang Baliwagenyo.

Samantala, dumalo rin sa pagdiriwang sina Congw. “Ditse Tina” Pancho, Vice Mayor Madette Quimpo, Kon. Ogie Baltazar, Kon. Kenneth Cruz, Kon. Ron “Bata” Cruz, Kon. Bhang Imperial, Kon. Joel Pascual, Kon. Carolina Dellosa, Bokal Dingdong Nicolas, at kinatawan ni Bulacan Gov. Daniel Fernando. Naghandog din sila ng iba’t ibang papremyo at regalo para sa mga guro.

#BaliwagCity

#WorldTeachersDay