Mayor Ferdie, ibinida ang tagumpay ng Baliwag sa kaniyang huling Ulat sa Lungsod
Mayor Ferdie, ibinida ang tagumpay ng Baliwag sa kaniyang huling Ulat sa Lungsod

Ipinagdiwang ng mga Baliwagenyo hindi lamang ang ika-45 kaarawan ni Mayor Ferdie V. Estrella, kundi pati ang tagumpay at mga karangalang nakamit ng Lungsod ng Baliwag, na inilahad ni Mayor Ferdie sa ‘Ang Bagong Baliwag: Ulat sa Lungsod, sa walong taon ng kaniyang Serbisyong may Malasakit’, noong Setyembre 4, sa Baliwag Star Arena.

Sa kabila ng maraming pagsubok, kabilang na ang panganib sa kaniyang buhay dulot ng COVID-19 noong 2020, ipinagpatuloy niya ang paghahandog ng Serbisyong May Malasakit para sa mga Baliwagenyo. Dahil dito, kinilala ang Baliwag bilang isa sa mga local government unit (LGU) na may pinakamahusay na COVID-19 response, at pinarangalan sa Digital Governance Awards, Galing Pook Awards, at Gawad Kilos Komunidad mula sa University of the Philippines (UP) – Manila.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Ferdie ang matagumpay na pag-angat sa Baliwag mula sa pagiging ika-960 munisipalidad sa bansa patungo sa pagiging ika-2 Most Competitive Municipality sa ilalim ng kaniyang panunungkulan . Noong Disyembre 17, 2023, natupad ang kanyang pangarap para sa Baliwag nang maging ganap itong lungsod, bilang ika-148 na siyudad sa Pilipinas.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, kinilala rin ang Baliwag sa iba’t ibang larangan, kabilang ang pagiging consistent recipient ng Seal of Good Local Governance, Hall of Famer sa Manila Bayani Award, 4-Time National Champion sa Digital Governance, ISO 9001:2015 Certified for Quality Management System, at consistent national finalist bilang Most Business-Friendly local government unit (LGU) sa buong bansa.

Libu-libong Baliwagenyo rin ang nakinabang sa mga proyekto at programang ipinatupad ni Mayor Ferdie na nakapagpagaan ng kanilang pamumuhay. Isa sa mga ito ay ang flagship project niyang High FVE sa Barangay, kung saan inilapit niya ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan sa mga barangay upang magkaroon ng pribilehiyo ang mga Baliwagenyo sa iba’t ibang tulong ng gobyerno gayundin upang makatipid sila pamasahe.

Sa huli, binigyang-diin ni niya ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng mga programa upang mapanatili ang progreso ng lungsod at maiwasang bumalik sa dating kalagayan bago siya umupo bilang alkalde. Hanggang 2025, sisikapin niyang maisakatuparan ang mga malalaking proyekto na magpapabuti sa kapakanan ng mga Baliwagenyo at ng lokal na ekonomiya.

#BaliwagCity

#HappyKaarawanGoalsYear9

#45NaSiMayorFerdie