Naisakatuparan ang pangarap na mag-isang dibdib ng 68 Baliwagenyo couples sa pamamagitan ng Kasalang Bayan na handog ni Mayor Ferdie sa selebrasyon ng kaniyang #45thHappyKaarawanGoals. Katuwang ang Baliwag City Civil Registry Office, sabay-sabay na nag ‘I do’ ang couples bilang patunay na may forever sa Baliwag City, noong Setyembre 9 sa Baliwag Star Arena.
Pinangunahan ni Mayor Ferdie ang pag-iisang dibdib, katuwang ang kaniyang maybahay na si Mayora Jonnah Nubla-Estrella. Ipinagdiriwang din ng 68 couples ang espesyal na araw na ito matapos maselyuhan ang kanilang pagmamahalan na walang iniisip na gastusin sa kasal at reception. Ito ay taon-taon na isinasagawa bilang isa sa mga regalong handog ni Mayor Ferdie sa mga magkasintahang Baliwagenyo.
Bukod dito, naghandog din ng regalo si Mayor Ferdie at naghanda ng munting salo-salo para sa mga bagong kasal. Habang isinasagawa ang pag-iisang dibdib ay nag-iwan si Mayor Ferdie ng mensahe para sa mas matibay na pagsasama.
“Tandaan ninyo, walang storm-free married life, pero posible sa isang relasyon na maging storm-proof, ibig sabihin, dapat magkatuwang ninyong babalikatin ang bagyong darating sa buhay mag-asawa, kapit-kamay ninyong susuungin at pagtatagumpayan ang mga problema, upang mas maging matibay ang inyong pagsasama”, ani Mayor Ferdie.
Samantala, saksi rin sa isinagawang Kasalang Bayan si Mommy Sonia Estrella, kasama sina Congresswoman Ditse Tina Pancho, at mga konsehal na sina Kon. Joel Pascual, Kon. Bhang Imperial at Kon. Ogie Baltazar.
#BaliwagCity
#HappyKaarawanGoalsNiMayorFerdieYear9
#45NaSiMayorFerdie