Umabot sa bilang na 42 ang mga bagong lisensyadong guro mula sa Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag ang matagumpay na nakapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET) noong Setyembre 2024.
Binigyang pagkilala ito ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag kasabay ng unang lingguhang pagtataas ng watawat para sa taong 2025, nitong ika-6 ng Enero.
Ayon sa datos, ang Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag ay may naitalang passing rate na 63.64% sa antas ng elementarya at 61.54% sa antas ng sekundarya. Ang overall performance ng Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag mula sa antas ng elementarya ay 45.51% at 58.88% sa antas ng sekundarya.
Narito ang listahan ng mga pangalan ng mga bagong lisensyadong guro ng bayan:
- Mikaela M. Asiado
- Erika A. Bautista
- Jessierene E. Calderon
- Jemmalyn DV. Canales
- Gladys V. De Guzman
- Rodgie M. De Guzman
- Almira Jean S. Desoyo
- Miriam R. Domingo
- Jenella Camile DS. Españo
- Jowhelyn M. Gaor
- Dian M. Ibañez
- Ma. Victoria L. Ingal
- 13. Joyce T. Lagasca
- Mary Ann P. Malaga
- John Kimuel C. Natividad
- Abegail C. Nicolas
- Mercy Grcae P. Palquera
- Alondra G. Santiago
- Abigael A. Tubid
- Dan Rev D.L. Bagadiong
- Ma. Gloria M. Bulan
- Michelle Jean G. Cartajena
- Gabriel DC. Castro
- Krissel S. Daluz
- Lyka Mae B. Gonzales
- Arjane B. Haz
- Edsel C. Labawan
- Josilyn A. Lambojon
- Kett Christopher S. Magsayo
- Hannah Faith S. Marcos
- Elimar C. Pascual
- Patricia May C. Rabanzo
- Diana Rose C. Salaysay
- Symon C. Salvador
- Ma. Fiona A. Samaniego
- Mariel S. Sanchez
- Moriel Joy F. Silapan
- Anna Marie P. Cruz
- Ma. Christina Ruth R. Cruz
- Andrea B. Passay
- Jester D. Salaysay
- Olivia C. Salvador
Ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella ay saludo sa ipinakitang dedikasyon at husay ng mga alumni mula sa Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag. Ang ganitong uri ng tagumpay ay isang patunay na patuloy ang pagsuporta, pagpapahalaga at pagpupursige ng lungsod na patuloy na mapataas at matutukan ang antas ng edukasyon.
#BaliwagCity
#DugongBaliwagPusongBaliwag