Opisyal nang pinasilaban ang kauna-unahang Baliwag City Athletic Meet 2025 na may temang “Unity through Sports: BaliwagHenyos Embodying Camaraderie and Sportsmanship.”, noong ika-27 ng Enero sa Baliwag Star Arena.
Ito ay bahagi ng makasaysayang tagisan ng husay at lakas ng mga atletang Baliwagenyo. Ganap itong pinasimulan sa pamamagitan ng parada ng mahigit 2,300 atletang Baliwagenyo na nahati sa Cluster 1 hanggang Cluster 6 mula elementarya at sekondarya, kasama ang Schools Division Office (SDO) City of Baliwag officials and administrators patungo sa Baliwag Star Arena.
Bilang pagpapakita ng suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, aktibong nakiisa si Mayor Ferdie V. Estrella na nagbigay ng kanyang mensahe at pagbati sa mga atletang Baliwagenyo. Samantala, naglahad din ng pagbati si Schools Division Superintendent Ms. Rowena T. Quiambao, CESO VI kasama sina Congresswoman Ditse Tina Pancho, Vice Governor Alex Castro at kinatawan ni Governor Daniel Fernando.
Ang aktibidad na ito ay nagsisilbing paghahanda sa mga atleta at ang magwawagi ay siyang tutungo upang lumahok sa Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA), kung saan magtatagisan ng galing ang iba’t ibang paaralan sa rehiyon.
Nakiisa din ang mga espesyal na bisita na sina Assistant School Division Superintendent Mr. Erwin John Santos, School Governance and Operations Division (SGOD) Chief Ms. Doreen Geronimo, Baliwag City Private Schools Association (BaCiPriSA) President Ms. Cynthia Angeles. Kabilang ang education program supervisors, public schools district supervisors, schools heads from public and private schools, Baliwag City private schools administrators, City of Baliwag school sports association officers, coaches, tournament managers, students and parents.
Ang programa na ito ay isang patunay ng pagkakaisa ng lungsod upang maisulong ang larangan ng pampalakasan bilang mahalagang bahagi ng paghubog sa kabataan at bumubuhay sa nag-aalab na puso ng mga atletang Baliwagenyo.
#BaliwagCityAthleticMeet2025
#BaliwagHenyoNumeroUno