Magbubukas na ang kauna-unahang Baliwag City Athletic Meet na may temang “Unity through Sports: BaliwagHenyos Embodying Camaraderie and Sportsmanship.” Sa makasaysayang paligsahang ito, ipapamalas ng mahigit 2,300 mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan ng lungsod ang kanilang husay at galing sa larangan ng pampalakasan.Magsisimula ito simula Enero 27 hanggang 31, 2025.

Ang Athletic Meet na ito ay resulta ng kolaborasyon ng pampubliko at pribadong mga paaralan mula elementarya hanggang sekondarya sa buong lungsod. Layunin nitong itaguyod ang disiplina, pagkakaisa, teamwork, sportsmanship, at fair play sa mga mag-aaral na lalahok.

Bukod dito, pinapalakas nito ang sektor ng Physical Education at sports sa kurikulum ng mga paaralan. Ang aktibidad na ito ay magsisilbi ring paghahanda ng mga mag-aaral para sa Central Luzon Regional Athletic Association (CLARAA), kung saan magtatagisan ng galing ang iba’t ibang paaralan sa rehiyon.

Ang mga kalahok ay magpapaligsahan sa mga sumusunod na sports:

  • Arnis
  • Athletics
  • Badminton
  • Baseball
  • Basketball (3×3 at 5v5 SG)
  • Billiards
  • Chess
  • Dancesport
  • E-Games
  • Football
  • Futsal
  • Gymnastics
  • Lawn Tennis
  • Sepak Takraw/Sipa
  • Swimming
  • Table Tennis
  • Taekwondo
  • Volleyball

Mga Cluster para sa Elementarya

Cluster 1:

  • Concepcion Elementary School
  • Baliwag South Central School
  • Virgen Delas Flores Elementary School
  • San Jose Elementary School

Cluster 2:

  • Baliwag North Central School
  • Subic Elementary School
  • Sabang Elementary School
  • Engr. Vicente R. Cruz Memorial School

Cluster 3:

  • Tilapayong Elementary School
  • Pinagbarilan Elementary School
  • Calantipay Elementary School
  • Matangtubig Elementary School
  • Catulinan Elementary School

Cluster 4:

  • J. Ponce Elementary School
  • Dr. G. Dela Merced Memorial School
  • Josefa B. Ycaciano Memorial School
  • Dr. Nicolas V. Rustia Memorial School
  • Hinukay Paitan Elementary School
  • Paitan Elementary School

Cluster 5:

  • Sta. Barbara Elementary School
  • Tarcan Elementary School
  • Tiaong Elementary School
  • Makinabang Elementary School

Cluster 6:

  • Private Schools

Mga Cluster para sa Sekondarya

Cluster 1:

  • Mariano Ponce National High School

Cluster 2:

  • Virgen delas Flores High School
  • Baliwag Senior High School

Cluster 3:

  • Teodoro Evangelista Memorial High School
  • Sta. Barbara High School

Cluster 4:

  • Sulivan National High School

Cluster 5:

  • Sto. Niño High School

Cluster 6:

  • Private Schools

Ang Baliwag City Athletic Meet 2025 ay isang patunay ng pagkakaisa ng lungsod upang maisulong ang sports bilang mahalagang bahagi ng paghubog sa kabataang Baliwagenyo. Huwag palampasin ang makulay na pagdiriwang ng unang athletic meet ng lungsod.

#BaliwagCityAthleticMeet2025

#BaliwagHenyoNumeroUno