Pinapaalalahanan ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, ang lahat ng may-ari ng lupa at ari-arian na samantalahin ang oportunidad na makakuha ng discount sa maagang pagbabayad ng Real Property Tax para sa taong 2025. Maaaring magbayad mula Enero 2 hanggang Marso 31. Layunin nitong hikayatin ang mga Baliwagenyo na magbayad ng buwis sa takdang panahon upang maiwasan ang karagdagang multa at penalty.
Magtungo lamang sa City Treasurer’s Office upang personal na magbayad. Para naman sa online payment options, maaaring magbayad sa pamamagitan ng GCash, hanapin lamang ang Baliwag City LGU – Real Property Tax. Gayundin sa Landbank Link.BizPortal, piliin ang City Government of Baliwag, Bulacan.
Samantala, para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang opisyal na Facebook page ng City Treasurer’s Office sa www.fb.com/ctobaliwag o mag-email sa mtolandtaxbaliwag@gmail.com. Huwag nang maghintay pa, magbayad nang maaga para makakuha ng discount para iwas-abala.
#BaliwagCity
#RealPropertyTaxPayment2025