Bilang panimulang handog ni Mayor Ferdie V. Estrella sa pagdiriwang ng kanyang ika-45 kaarawan, sa pamamagitan ng Baliwag City Public Employment Service Office (PESO), matagumpay na isinagawa ang Job Fair and One-Stop-Shop Processing, na nilahukan ng 141 Baliwagenyo jobseekers, noong ika-2 ng Setyembre sa Baliwag Star Arena.

Nakiisa dito ang Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Social Security System (SSS), 1 overseas, at 27 local companies. Sa kabuuan, nakapagtala ng 2,458 job vacancies na bukas para mga Baliwagenyo. Mula sa 141 jobseekers, 18 sa kanila ang hired-on-the-spot.

Samantala, nagbahagi naman ng mga mahahalagang paalala si Assistant Labor Inspector Mr. Joonel Agape V. De Laza, ukol sa Anti-Illegal Recruitment. Ang mga paalala ay naglalayong magbigay ng proteksyon at kaalaman sa mga aplikante laban sa mga mapanlinlang na recruitment practices.

Dumalo rin sa kaganapan sina Provincial PESO Head Engr. Egbert R. Robles, Provincial PESO Placement Officer Mr. Carlos Yabut, at Labor Inspector Mr. Mark Kevin Castro, na kumatawan kay DOLE Provincial Director Leilani Reynoso, at PESO Baliwag Manager, Jennelyn G. Marcelo.

#BaliwagCity

#HappyKaarawanGoalsYear9

#45NaSiMayorFerdie