Muling bumisita sa lungsod ng Baliwag ang mapaghimalang imahen ng Nuestro Padre Jesus Nazareno, mula sa Quiapo Church, upang magbigay inspirasyon at pagpapala sa mga Baliwagenyo. Ito ay mananatili simula ngayong araw ng Setyembre 18 – 22, 2024.
Kaugnay nito, ang Pamahalaang Lungsod ay inaabisuhan ang publiko ukol sa pansamantalang pagsasara ng ilang kalsada upang bigyang-daan ang mga isasagawang aktibidad para sa motorcade at prusisyon.
SETYEMBRE 18, 2024 (MIYERKULES)
Maaapektuhang Kalsada:
- Bagong Nayon
SETYEMBRE 19, 2024 (HUWEBES)
Maaapektuhang Kalsada:
- Baliwag City Hall at mga kalapit na kalsada
- Mariano Ponce National High School
- Baliwag North Central School
- Baliwag South Central School
- Subic Elementary School
- Waterwood Subdivision
- Mary’s College of Baliuag
SETYEMBRE 20, 2024 (BIYERNES)
Ruta ng Prusisyon:
- Simbahan – Año 1733 St. – Lopez Jaena St. – La Rosa Santiago St. – J. Buizon St. – P. Angeles St. – Gil Carlos St. – Baliwag Tower Clock – Cagayan Valley Road – Osmeña St. – Dr. Gonzales St. – F. Lara St. – Calderon St. – B.S. Aquino Ave. – Simbahan
SETYEMBRE 21, 2024
Maaapektuhang Kalsada:
- Poblacion
- Tibag
- Santo Rosario
- Subic
- Bagong Nayon
- Santo Cristo
- San Jose
SETYEMBRE 22, 2024 (LINGGO)
Maaapektuhang Kalsada:
- Bagong Nayon
Photo courtesy: Ang Batingaw
Asahan ang pansamantalang pagsikip ng trapiko sa mga nabanggit na lugar at kalsada. Pinapayuhan ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta upang maiwasan ang abala.
Para sa mga Baliwagenyo sa mga dadaanan ng prusisyon, hinihikayat na magtanghal o magdungaw ng imahen ng Nuestro Padre Jesus Nazareno o magtulos ng kandila sa inyong tarangkahan bilang bahagi ng debosyon.
#BaliwagCity
#NPJN