Muli nang aarangkada ang Baliwag City High FVE sa Barangay, Todo-todong Serbisyong may Malasakit Caravan ngayong darating na ika-21 ng Enero na nasa ika-walong taon na nang simulan noong taong 2016.
Pinasimulan ito ni Baliwag City Mayor Ferdie V. Estrella na naglalayong maghatid ng Serbisyong May Malasakit ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag patungo sa bawat isang barangay.
Noong nakaraang taon, naglunsad ng iba’t ibang panibagong serbisyo ang Pamahalaang Lungsod upang mas maraming Baliwagenyo pa ang maabutan ng tulong kabilang ang Alagang Estrella- Gupit Bulilitz, Alisto Kids (e-loot bag), Mobile Kusina, Bilis Pasaporte sa Baliwag (Passport Application Endorsement sa DFA), Katipunan ng Kabataan Registration, Talentadong P.T.A., Mobile X-Ray, at Meralco Lifeline Rate
Samantala, narito ang mga serbisyong handog ng Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng Baliwag City High FVE sa Barangay, Todo-todong Serbisyong may Malasakit Caravan:
- ZumBaliwag
- Larong Pinoy for Kids
- Nutri-Talks
- Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS)
- Alagang Estrella Beauty Caravan (free haircut, free manicure and pedicure, free facial)
- Alagang Estrella- Gupit Bulilitz, Alisto Kids (e-loot bag)
- Distribution Micronutrient Powder, Nutribun, Nutripacks, Free Salt Testing, Mobile Kusina
- Civil Registry/ Birth Cert Consultation, Kasalan at Binyagan
- Bilis Pasaporte sa Baliwag (Passport Application Endorsement sa DFA)
- Katipunan ng Kabataan Registration
- Medical, Dental
- Eye Consultation (no free glasses), E-Consulta Enlisting
- Talentadong P.T.A.
- Mobile X-Ray
- Meralco Lifeline Rate
- Baliwag Trabaho Recruitment
- Palit Basura (Aling Tindera)
- Distribution of Seedlings
- Vaccination of Cats & Dogs
- Libreng Almusal
- Barangay Dalaw: Kalinga sa Pasyenteng Baliwagenyo hatid ni Mayor Ferdie V. Estrella
- Kaagapay ni Nanay hatid ni Mayora Jonnah Nubla-Estrella & BITUIN ng Baliwag
- Mobile ID Registration For Senior Citizens, Solo Parents, PWDs
Hangad ng butihing Punong Lungsod, Mayor Ferdie V. Estrella na mas mapabuti pa ang kalagayan ng bawat Baliwagenyo sa pamamagitan ng inilunsad niyang programang High FVE sa Barangay, Todo-todong Serbisyong may Malasakit Caravan upang siguraduhin ang malawakang paghahatid ng mga kinakailangang tulong ng mga Baliwagenyo sa bawat barangay.
#BaliwagCity
#HighFVECaravan2025