Katuwang ang Department of Agriculture at sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella at Baliwag City Agriculture Office, mag-uumpisa na ang pamamahagi ng libreng binhing Palay (Inbred at Hybrid Palay Seed) sa Baliwag bilang bahagi ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Program, sa darating na Lunes, ika-24 ng Hunyo 2024.

Layunin ng programang ito na suportahan ang mga lokal na magsasaka sa pagpapabuti ng kanilang mga pamamaraan sa agrikultura.

Ang mga magsasaka na kwalipikado sa programang ito ay ang mga rehistrado o nakatala sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA).

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan ang mga magsasaka sa mga Agricultural Technician na naka-assign sa bawat agricultural barangay ng Baliwag.

Magiging mahalaga ang pagpapatuloy ng programang ito sa pagtulong at suporta sa mga magsasaka upang mapalakas ang sektor ng agrikultura sa Baliwag.

#BaliwagCity

#BaliwagAgri