DILG, nagsagawa ng validation sa pagpapatupad ng Road Clearing Operations sa Baliwag City
DILG, nagsagawa ng validation sa pagpapatupad ng Road Clearing Operations sa Baliwag City

Sa ilalim ng direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG) alinsunod sa Memorandum Circular No. 2024-053, matagumpay na isinagawa sa 27 barangay sa Lungsod ng Baliwag ang malawakang Barangay Road Clearing Operations (BaRCO) site validation noong ika-25 at 26 ng Hunyo.

Nag-organisa ang Pamahalaang Lungsod ng isang Composite Validation and Assessment Task Team (CVATT) na binubuo nina Ms. Ailyn D. Bondoc, CLGOO, PLTCOL. Jayson F. San Pedro, FCINSP. Dianne Roselle G. Tamayo, Mr. Arnold Nanio, ACCERT City Director, at City Mayor Ferdie V. Estrella, upang magsagawa ng on-the-ground validation at assessment para matiyak ang komprehensibong pagsusuri sa bawat barangay sa pamamagitan ng akmang implementasyon ng road clearing operations sa lungsod.

Nakibahagi rin ang bawat barangay sa nasabing aktibidad at lubos na nakipagtulungan sa pamamagitan ng kanilang aktibong pakikilahok at suporta sa operasyon na nagsisilbing inspirasyon para sa patuloy na pagpapanatili ng kaayusan at disiplina sa kalsada.

Sa kasalukuyan ay isinasagawa pa rin ang computation at consolidation ng resulta sa isinagawang operasyon at inaasahan din ng Pamahalaang Lungsod ang patuloy na pakikipagtulungan ng bawat barangay sa pagmo-monitor sa mga pampublikong daanan at kalsada upang matiyak ang pagpapanatili ng kalinisan, mas maayos na daloy ng trapiko, at kaligtasan ng mga pedestrian.

#BaliwagCity