Sinimulan na ng Baliwag City Business Permit and Licensing Office (BPLO) ang operasyon ng Business One-Stop Shop para sa pagre-renew ng business permit para sa taong 2025, na isinasagawa mula Enero 2 hanggang Enero 20 sa Baliwag Business Center. Para sa mga nais magproseso online, maaaring mag-pre-register sa opisyal na website: ibpls.baliwag.gov.ph.

Narito ang mga requirements para sa business permit renewal:

  • Accomplished Application Form
  • Copy of Registration:

DTI (For Sole Proprietorship)

SEC (For Corporation)

CDA (For Cooperative)

  • Declaration of Gross Sales
  • Recent Business Permit
  • Copy of 2025 Cedula
  • Barangay Business Clearance (if applicable)
  • MEEM Certificate (if applicable)

Pinaaalalahanan ang lahat ng mga taxpayer na magre-renew na tiyaking makumpleto ang proseso sa loob ng nasabing panahon upang maiwasan ang karampatang penalty.

Ang mga bayad para sa business permit ay maaaring gawin sa pamamagitan ng cash o manager’s check na nakapangalan sa City Government of Baliwag.

Para sa iba pang katanungan, maaaring tumawag sa (044) 798-0391 loc. 2756 o mag-email sa bplobaliwag@yahoo.com.ph.

#BaliwagCity

#BusinessPermitApplication2025