Brgy. Calantipay Luntiang Pangarap Community Garden, sumailalim sa Gulayan sa Barangay 2024 Regional Evaluation
Brgy. Calantipay Luntiang Pangarap Community Garden, sumailalim sa Gulayan sa Barangay 2024 Regional Evaluation

Sa adhikaing patuloy na isulong ang sektor ng agrikultura sa lungsod ng Baliwag, sumailalim ang Barangay Calantipay Luntiang Pangarap Community Garden Project sa ginanap na Gulayan sa Barangay 2024 Regional Evaluation noong ika-17 ng Oktubre, para sa pagpapatuloy ng pamayanang masagana, may sapat at sariwang pagkain para sa mamamayan ng Brgy. Calantipay.

Dito ay ipinakita ni Brgy. Captain Cecilia Tolentino ang kanilang inihandang presentasyon na 5-10 minutong video o scrapbook ng kanilang mga pananim, aktibidad, a iba’t ibang detalye ukol sa Luntiang Pangarap garden.

Matapos nito, sinuri naman ng regional evaluators, kasama ang Provincial at City Agriculture Offices staffs, ang total area of Fencing/Plot Orientation, vegetable presence, nursery, crop museum, seedbank, compost pit/heap, storage house, natural inputs produced, at innovation.

Bukod dito, nagkaroon din ng ramdom picking of 3 household replicated para kanilang bisitahin at kapanayamin ukol sa mga mahahalagang impormasyon dito.

Dumalo rin dito sina Mayor Ferdie V. Estrella, Congw. Tina Pancho, at City Administrator Enrique V. Tagle para saksihan ang mahahalagang hakbang na isinakatuparan para sa Luntiang Pangarap Community Garden Project.

Ang Regional Evaluation na ito ay joint project ng Department of Agriculture (DA) – Region III, Provincial Government of Bulacan, City of Baliwag, at Barangay Calantipay, sa pamumuno ni Brgy. Captain, Cecilia T. Tolentino.

#BaliwagCity

#BaliwagAgri

#GulayanSaBarangay2024