BaliwagHenyo teachers and school heads, nagkamit ng parangal sa DepEd Region III's Gawad Patnugot Ukit Marangal 2024
BaliwagHenyo teachers and school heads, nagkamit ng parangal sa DepEd Region III's Gawad Patnugot Ukit Marangal 2024

Bilang pagkilala sa kanilang husay sa larangan ng edukasyon at pamumuno, pinarangalan ang mga outstanding BaliwagHenyo teachers and school heads, sa ginanap na Gawad Patnugot Ukit Marangal Awarding Ceremony ng Department of Education (DepEd) Region III, noong Oktubre 8, sa DepEd Regional Office III Grounds.

Narito ang mga pinarangalang natatanging guro at punonggurong BaliwagHenyo:

  • Ms. Renalyne G. Villafane ng Pinagbarilan Elementary School – 8th Place, Natatanging Guro sa Elementarya
  • Ms. Leonila R. Yanto, PhD ng Engr. Vicente R. Cruz Memorial School – 1st Place, Natatanging Punongguro sa Elementarya
  • Ms. Divina B. Santos ng Sta. Barbara High School – 10th Place, Natatanging Punongguro sa Sekondarya.

Samantala, nagbahagi rin ng kanyang espesyal na video message si DepEd Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara, na binigyang-diin ang mahalagang papel ng mga guro sa paghubog ng kaalaman ng mga mag-aaral sa buong bansa.

Maliban dito, binigyang pagkilala rin sila ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag kasabay ng lingguhang pagtataas ng watawat noong ika-14 ng Oktubre, araw ng Lunes, na ginanap sa City Hall grounds.

Ang okasyong ito ay nagbigay-pugay sa mga natatanging guro at punongguro, nagtaguyod ng kanilang propesyonal na pag-unlad, at nagpatibay ng isang masiglang komunidad sa edukasyon sa Gitnang Luzon, lalo na sa konteksto ng patuloy na reporma sa edukasyon at pagbangon mula sa pandemya.

Ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella, ay ipinaabot ang isang mainit na pagbati sa mga natatanging BaliwagHenyong tagapagtaguyod ng de-kalidad na edukasyon maging ang kanilang dedikasyon at tagumpay sa larangan ng edukasyon.

#BaliwagCity

#BaliwagHenyo