Bilang pag-alaala sa kasaysayan at tradisyon ng Baliwag City, inilunsad ng Baliwag City Arts, Culture, and Tourism Office (CACTO) ang photo challenge in the museum para sa pagdiriwang ng Museums and Galleries Month 2024, na may temang “Larawang Alaala”. Ito ay para ipamalas ang galing at talento ng mga Baliwagenyo sa pagkuha ng larawan ng kanilang magandang karanasan sa loob ng Museo ng Baliwag at maaaring magwagi ng 1,000 pesos at souvenir package.
Inaanyayaan ang mga Baliwagenyo na sumali sa patimpalak at magbalik-tanaw sa kasaysayan ng lungsod ng Baliwag. Narito ang mechanics sa pagsali sa patimpalak:
- Bumisita sa Museo at kumuha ng larawann para sa dalawang katergorya, ang Kategorya A ay maaring selfie o groupie, at Kategorya B, na isang artistic shot ng mga kagamitan sa loob ng exhibition.
- Ipasa ang nakunan na larawan sa email ng Museo ng Baliwag museongbaliwag@gmail.com, o sa kanilang official Facebook page na Museo ng Baliwag, kalakip ang pangalan ng kumuha ng litrato, caption ng larawan at ang contact number.
- Ang mga participants ay maaaring sumali sa dalawang kategorya, ngunit mahigpit na pinapatupad na tig-isa lamang na larawan ang ipapasa sa magkaibang kategorya.
- Ang deadline ng submission ng mga larawan ay hanggang Oktubre 25, alas 6:00 ng hapon.
- Ang lahat ng naipasang larawan ay i-uupload sa official Facebook page ng Museo ng Baliwag sa Oktubre 26.
- Ang photo entry na makakakuha ng maraming likes at heart reaction sa bawat kategorya hanggang Oktubre 30 alas 12:00 ng tanghali ay siyang magwawagi ng PHP1,000 cash prize at souvenir package mula sa Museo ng Baliwag.
Layunin ng patimpalak na ito na makapagbalik-tanaw sa mga tradisyunal na kagamitan ng Baliwag na makikita lamang sa loob ng museo na magpapaalala ng kasaysayan ng lungsod, gayundin ang pag-promote ng turismo.
#BaliwagCity