Baliwag City, sumailalim sa Nutrition Monitoring and Evaluation (MELLPI Pro)
Baliwag City, sumailalim sa Nutrition Monitoring and Evaluation (MELLPI Pro)

Binisita ng Nutrition Monitoring and Evaluation Team Region III ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag upang magsagawa ng Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation Protocol (MELLPI Pro) sa City Nutrition Office sa pangangasiwa ni Ms. Brenda Balaga, noong Hunyo 18-19, sa Conference Hall.

Sumailaim sa isang masusing pagsusuri ang Baliwag City Nutrition Office na sumasaklaw sa anim na dimensyon ng epektibong pamamahala ng programa sa nutrisyon: (D1) Vision and Mission, (D2) Nutrition Laws and Policies, (D3) Governance and Organizational Structure, (D4) Local Nutrition Committee Management Functions, (D5) Nutrition Interventions/Services, and (D6) Changes in Nutritional Status.

Noong Pebrero ng nakaraang taon, iginawad ng National Nutrition Council (NNC) Region III sa Pamahalaang Lungsod ang Green Banner Seal of Compliance at Most Visible Local Government Unit in Social Media para sa pagsusuri noong 2022 sa ilalim ng municipal category. Hangad ng lungsod, sa pamamagitan ng City Nutrition Office na magkamit muli ng mga natatanging parangal para sa taong ito.

Ang MELLPI Pro ay isang assessment tool mula sa NNC para sa kanilang pagpapatupad ng Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) sa antas ng local government units (LGUs).

#BaliwagCity

#BaliwagNutrition