Nagsagawa ang Schools Division of City of Baliwag ng ikalawang Management Committee (ManCom) Meeting for Heads of Private Schools, noong Setyembre 24, sa Baliuag University Annex.

Naging oportunidad ang pagpupulong sa malayang usapan at talakayan sa mga usapin sa edukasyon at pamamahala sa pagitan ng Division office at mga dumalong kinatawan ng 34 na private schools sa lungsod.

Tampok rin ang mahahalagang paksa gaya ng implementasyon ng MATATAG curriculum, resulta ng nakaraang National Career Assessment Examination (NCAE), sports activities, Learner Information System (LIS), at iba pa.

Bukod dito, nakilahok din sa pulong si University President Dr. Patricia B. Lagunda, kasama sina Schools Division Superintendent Rowena T. Quiambao, Chief Education Supervisors Dr. Ma. Aurea Rhodora T. Geronimo at Dr. Jennifer E. Quinto, at mga concurrent officials ng dibisyon.

 

#MATATAGnaDepEdBaliwag

#BaliwagHenyoNumeroUno

#BansangMakabata

#BatangMakabansa