Muling pinatunayan ng Lungsod ng Baliwag, sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella, ang kahusayan nito pagdating sa process streamlining at digitalization initiatives, matapos itong kilalanin ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa kanilang Bagong Pilipinas Town Hall Meeting with electronic Business One-Stop Shop Commendation (eBOSS), noong Oktubre 15, sa The Chapters, MDSF Social Hall.

Tumanggap ang lungsod ng Certificate and Plaque of Commendation mula sa ARTA bilang pagkilala sa kanilang mga natatanging pagsisikap na mapabilis ang proseso ng pagnenegosyo at pagpapalakad ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, na nagsilbing huwaran para sa iba pang lokal na pamahalaan.

Personal na iginawad ni ARTA Director General, Secretary Ernesto V. Perez ang Certificate and Plaque of Commendation para sa lungsod ng Baliwag, sa pangunguna ni Mayor Ferdie, na nagpahayag ng kanyang kagalakan sa pagtanggap ng pagkilala.

“Alam po ninyo, bago po maisabatas ang Republic Act 11032 or act promoting ease of doing business and efficient delivery of government services, mayro’n na po akong Executive Order on Sitting Pretty. Magtatanong siguro kayo ano ba ang Sitting Pretty, we crafted this sitting pretty campaign to promote the ideal environment and desired experience that we want our clients, especially from the business sector to feel when they transact with us. In other words po, walang hassle, walang stress, at uuwi sila bilang satisfied clients” ani Mayor Ferdie.

Bukod dito, kinilala rin ng ARTA ang Municipality of Obando at matapos nito ay nagkaroon ng talakayan tungkol sa mga bagong alituntunin, lalo na sa ilalim ng Republic Act No. 11032 o ang “Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018,” na naglalayong alisin ang red tape at gawing mas epektibo ang mga serbisyo publiko.

Samantala, dumalo rin sa nasabing programa si City Administrator Enrique Tagle, kasama ang mga pinuno at kawani ng Pamahalaang Lungsod. Gayundin sina Kon. Ogie Baltazar, Kon. Kenneth Cruz, Kon. Joel Pascual, Kon. Bhang Imperial, at Sangguniang Kabataan (SK) Federation President Jerome Gonzales.

Sa pamamagitan ng mga inisyatibong tulad nito, patuloy na pinangungunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, ang pagpapabuti ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagsulong ng ease of doing business and efficient government service delivery.

#BaliwagCity

#SerbisyongMayMalasakit