Sa pagbabahagi ng mahahalagang hakbang sa pagpapanatili ng masiglang daloy ng ekonomiya sa nagdaang pandemya, isa ang Baliwag City sa 3 local government units (LGUs) Local Economic Development (LED) models sa Central Luzon na napili at binisita ng Department of Interior and Local Government (DILG) kasama ang kinatawan ng iba’t ibang ahensyang may kinalaman sa ginanap na Onsite Cum Documentation to the Conduct of Empowering Xponential Recovery and Sustainability Efforts ng lungsod noong Oktubre 22, sa City Hall Boardroom.
Ang lungsod ay isa sa tatlong mga napiling local government unit (LGU) sa buong Central Luzon kung saan ang makakalap na impormasyon mula sa concerned offices na nabanggit ay nakatakda namang ilagay sa kanilang Coffee Table Book na ipamamahagi sa buong bansa. Ito rin ay magsisilbing gabay at inspirasyon para sa ibang bayan at lungsod pagdating sa pagkakaroon ng sustained economy.
Tinalakay dito ang mga inisyatibang isinagawa ng Local Planning and Development Office (LPDO), Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO), Business Permit and Licensing Office (BPLO), Public Employment and Service Office (PESO), City Arts, Culture, and Tourism Office (CACTO), at City Agriculture Office, noong pandemya, ang muling pagbangon, at kanilang sustainability efforts para sa magandang daloy ng lokal na ekonomiya.
Ibinahagi rin dito ang video presentation ni City Mayor Ferdie V. Estrella ukol sa kanyang Ulat sa Lungsod sa loob ng kanyang walong taong termino. Nagbigay din siya ng makabuluhang mensahe sa kanyang maituturing na dahilan ng tuloy-tuloy na pagsulong ng lungsod.
“Sabi ko nga, ‘yong nagawa po namin ay una pangarap lamang, pero sa pagtutulong-tulong po ng bawat isa ay nakamit po namin yung mga karangalan na ibinigay po sa amin. Bonus na lang po ‘yong mga karangalan po na ‘yon dahil ang importante kako sa atin, ay nararamdaman ng mga kababayan natin yung mga initiatives po na ginagawa natin dito sa Baliwag. Talagang halos lahat po ng sectors, lahat po ng maaaring gawin ay ginagawa po natin ‘yon sa Baliwag dahil ang mga Baliwagenyo po deserve yung pinakamataas na standard ng paglilingkod”, ani Mayor Ferdie.
Maliban dito, binisita rin ng DILG, kasama ang mga kinatawan mula National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), Department of Tourism (DOT), at Bulacan State University (BulSU).
Bagamat naapektuhan ang sektor ng ekonomiya ng lungsod sa nagdaang pandemya noong taong 2020, napagtagumpayan ng Pamahalaang Lungsod ang bawat hamon nito, sa pamamagitan ng mga makabuluhang inisyatiba na kanilang binuo upang tugunan ang mga pangangailangan ng bawat Baliwagenyo.
#BaliwagCity