Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Children’s Month 2024 (NCM2024) na may temang “Break the Prevalence, End the Violence: Protecting Children, Creating a Safe Philippines”, naghanda ng mga aktibidad at programa ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag sa pangunguna ng Baliwag City Social Welfare and Development Office (CSWDO), ngayong buwan ng Nobyembre.
Narito ang mga aktibidad at programa na inilunsad para sa NCM2024:
- November 4 – November 8: Parada ng mga Pangarap
- November 6 – November 13: Bida ka Kid! Online Talent Competition
- November 19: Play Fair para sa Children with Special needs
- November 4 – November 20: Free HPV Vaccines – para sa mga Grade 4 female students mula edad 9 hanggang 14
- November 26: Children’s Congress and State of the Children’s Address
- November 27: Katha Baliwag: Launch of Animated Film and E-storybooks for Children
- November 6 – November 29: High FVE Bida Kabataan Campus Caravan
Ang Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella ay patuloy ang suporta at layunin na protektahan ang mga bata at kabataang Baliwagenyo sa lungsod nang sa gayon ay maibigay sa kanila ang isang ligtas na komunidad at mawakasan ang karahasan sa mga kabataan.
#NCM2024
#BaliwagCity
#SerbisyongMayMalasakit