Baliwag City, nagsagawa ng training para sa proteksyon ng kabataan at kababaihan
Baliwag City, nagsagawa ng training para sa proteksyon ng kabataan at kababaihan

Upang palakasin at pagtibayin ang kapasidad ng mga miyembro ng Local Council at Barangay Violence Against Women (VAW) Desk Officers mula sa Baliwag City, nagsagawa ng Capacity Development Training for Members of Local Council for the Protection of Children and Barangay VAW Desk Officers sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), noong ika-17 ng Oktubre, sa  Inang Ko Po Events Place San Jose, Baliwag City.

Sa pagsisimula ng training ay nagbigay ng kanyang pagbati si CSWDO Head Mr. Gerard Mhel M. Tolentino, RSW, at nagpahayag ng katwiran si Social Sciences Department Chairperson Ms. Kristine Analiza P. De Vera, LPT, RSW, MSW at Dr. Jeffrey D.C. Lobos, LPT, RSW, MSSW na nagsilbing Program Chairperson, Social Work.

Tinalakay sa programa ang tatlong paksa kabilang ang Gender Based Approach Case Management, na pinangunahan ni Ms. Chaddlyn Rose Samaniego-Catanghal, Protocols in Handling Child Abuse Cases na ipinaliwanag ni Atty. Janina Crystal C. Sayo, RPM, JD, at Protocols in Handling Children At Risk (CAR) at Child in Conflict with the Law (CICL) Cases na binigyang-linaw ni Mr. Jay Mark Chico, RSW.

Bilang pagsuporta ay dumalo si Mommy Sonia Estrella kasama ang mga konsehal na sina Kon. Ogie Baltazar, Kon. Bhang Imperial, Kon. Joel Pascual, Kon. Ron “Bata” Cruz, Mr. Ryan Maniquis, at Mr. Majorie Taruc.

Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella sa mga programang tulad nito, layunin ng training na ito na madagdagan ang kaalaman ng mga Local council members and Brgy. VAW Desk Officers sa mga tamang pagtugon at pangangasiwa ukol sa mga VAWC cases at maiwasan ang bilang ng ganitong uri ng kaso higit na sa mga Barangay sa lungsod.

#BaliwagCity