Isang malaking karangalan para sa Lungsod ng Baliwag ang makamit ang “Ideal o Highest Rating” sa katatapos lamang na Local Council for the Protection of Children (LCPC) at Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Their Children (LCAT-VAWC) Functionality Assessment Exit Conference noong Marso 21, 2025, na ginanap sa City Hall Boardroom.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng masisipag na kawani ng Pamahalaang Lungsod, lalo na ang bumubuo ng LCPC at LCAT-VAWC, na walang sawang nagtrabaho upang tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng kababaihan at kabataan sa lungsod.

Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, ang parangal na ito ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng Baliwag sa pagtataguyod ng mga karapatan ng bawat mamamayan, lalo na ang mga bata at kababaihan, laban sa anumang uri ng pang-aabuso at karahasan.

Ang nasabing parangal ay magsisilbing inspirasyon upang higit pang paghusayin ang mga programa at serbisyo ng pamahalaang lungsod patungo sa isang mas ligtas at mas maunlad na Baliwag.

#BaliwagCity
#LCPCLCATVAWC
#FunctionalityAssessmentExitConference