Sen. Imee Marcos, bumisita sa Baliwag City para sa lokal na konsultasyon tungkol sa Barangay Term Limit Extention
Sen. Imee Marcos, bumisita sa Baliwag City para sa lokal na konsultasyon tungkol sa Barangay Term Limit Extention

Nagbigay ng donasyon ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag ng paunang tatlumpung (30) sako ng coconut husks sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang makatulong sa paglilinis at pagsugpo ng malawakang oil spill mula sa lumubog na Motor Tanker (MT) Terra Nova sa baybayin ng Limay, Bataan, noong Hulyo 25.

Pinapaniwalaang may kargang 1.4 milyong litro ng industrial fuel ang lumubog na motor tanker kung saan nagdulot ito ng malaking pinsala sa karagatan at ikinabahala ng mga mangingisda at lokal na residente.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot na sa ilang coastal areas ng Bulacan at ilang karating bayan ang pinsala ng oil spill. Bukod sa pagkalat ng langis sa karagatan, nakakapinsala rin ang dala nitong amoy na maaaring magdulot ng sakit sa mga residente, at pagkamatay ng mga isda na pangunahing hanapbuhay ng mga residente sa paligid ng baybayin.

Ang mga nadonate na coconut husks, coconut fiber at coconut coir mula sa Baliwag City Environment and Natural Resources (CENRO) ay epektibong materyal upang makagawa ng mga improvised indigenous oil spill booms kung saan makakatulong ito sa pagsipsip ng langis para mapabilis ang clean-up operations ng oil spill.

Ayon kay Mayor Ferdie Estrella, ang donasyong ito ay isang maliit na paraan upang maipakita ang suporta ng Pamahalaang Lungsod sa pangangala ng ating kalikasan gayundin ang pakikiisa at maging bahagi ng solusyon sa problemang ito.

#BaliwagCity
#SerbisyongMayMalasakit