Pormal na ipinagdiwang ng Baliwag City Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang National Correctional Consciousness Week (NACOCOW) noong Oktubre 21 hanggang Oktubre 27, na may temang “Makataong Pakikitungo, Matinong Pamununo, at Matatag na Prinsipyo Tungo sa Maunlad na Serbisyong Pampiitan”, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Banal na Misa, Information Drive Re Parole and Probation, singing competition, dance competition at Mr. and Ms. NACOCOW 2024, na layong magdala ng sigla at inspirasyon sa persons deprived of liberty (PDLs). Ito ay sa pangunguna ni JCINSP Arvin C. Antonio, kasama ang Jail Officers ng Baliwag City (JAOFBACI).
Ang selebrasyon ay binigyang-buhay ng mga palaro na nagpamalas ng energy, teamwork, sportsmanship at camaraderie. Isinagawa dito ang mga aktibidad na nagpatibay sa pagkakaisa, pakikisama, at kasiyahan ng bawat lumahok tulad na lamang ng singing competition at dance competition upang maipamalas ng mga PDL ang kanilang talento sa pag-awit at pagsayaw. Nagpakitang-gilas din ang mga PDL sa inihanda nilang production number at formal wear competition na nagpahanga sa mga hurado at manonood. Maliban dito, nabigyan rin ng pagkakataon ang mga PDL na malaman ang estado ng kanilang probation application at para makapagtanong ukol sa parole at probation.
Samantala, ang mga huradong pumili sa nagwagi sa Mr. & Ms. NACOCOW 2024 ay kinabibilangan nina PLTCOL Jayson F. San Pedro ng Baliwag City Police National Police (PNP), SFO1 Marlon Gatmaitan ng Baliwag Bureau of Fire Protection (BFP), Atty. Brigitte G. Pocsol ng Baliwag Public Attorney’s Office (PAO), Mr. Fioglo Baluyot ng National University (NU) – Baliwag, Ms. Rosemarie Estrellado, Barangay Training and Employment Coordinator, at Mr. Andrei Banan, SK Kagawad ng Brgy. Pagala.
Ang taunang event na ito ay layuning magbigay-inspirasyon sa mga PDL upang maipadama sa kanila ang diwa ng pag-asa, malayang pagpapahayag ng damdamin, at pagkakataon para sa pagbabagong buhay.
Sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella, buo ang pagsuporta ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag sa mga programa at inisyatibo ng Baliwag City BJMP upang bigyang pagkakataon ang mga PDL na ipakita ang kanilang talento at magsagawa ng mga aktibidad para isulong ang pagbabago sa kanilang buhay.
Photo Courtesy: Baliwag BJMP
#BaliwagCity
#BaliwagCityJail
#ChangingLivesBuildingASaferNAtion