Malugod na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag ang lokal na pamahalaan ng Kalibo, Aklan na nagsagawa ng isang educational benchmarking sa lungsod para patatagin ang kanilang sektor ng edukasyon, noong Nobyembre 22, sa City Conference Hall.
Pinangunahan ni School-Based Management (SBM) Member Chairperson, Mr. Philip Y. Kimpo Jr., ang pagbisita sa lungsod, kasama ang Public Schools District Supervisor Kalibo District 1 & 2 Dr. Marcelle I. Briones, at mga opisyal at kawani ng Schools Division ng Kalibo, Aklan.
Mainit na sinalubong at binati ni City Administrator Enrique V. Tagle ang Pamahalaang Lokal ng Kalibo, Aklan sa pagpili at pagbisita sa lungsod ng Baliwag bilang kanilang magandang modelo pagdating sa sektor ng edukasyon. Kabilang din si Konsehal Kenneth Cruz sa mga nakiisa sa naturang aktibidad.
Naghanda ng video presentation ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag upang maipakita ang naging proseso sa pagiging opisyal na lungsod ng Baliwag. Gayundin, nagsagawa ng presentasyon si Baliwag City Schools Division Superintendent Ms. Rowena T. Quiambao, CESO VI para talakayin ang mga magagandang programa at pamamaraan sa aspeto ng edukasyon sa lungsod.
Ang ganitong uri ng aktibidad ay nagpapakita ng pagiging bukas ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella, sa mga iba pang lokal na pamahalaan upang ibahagi ang mga programa at pamamaraan na dahilan ng magandang pamamalakad sa sektor ng edukasyon sa lungsod.
#BaliwagCity
#EducationalBenchmarkingLGUKaliboAklan