Baliwag City, ginawaran ng DENR ng Outstanding Practice ni Materials Recovery Facility (MRF) Operation
Baliwag City, ginawaran ng DENR ng Outstanding Practice ni Materials Recovery Facility (MRF) Operation

Sa pagsisikap na mapanatili ang kalinisan at luntiang kapaligiran, ginawaran ng Department of Environment & Natural Resources Central Luzon (DENR) ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, ng Outstanding Practice in Materials Recovery Facility (MRF) Operation, noong ika-28 ng Hunyo, sa Widus  Hotel, Clark Freeport Zone, Pampanga.

Bukod sa lungsod, kinilala rin sa naturang aktibidad ang ibang local government units (LGUs) sa Bulacan, kabilang ang San Jose del Monte, San Rafael, at Guiguinto, para sa kanilang natatanging gawi sa pangangalaga ng kapaligiran.

Ang tagumpay ng Pamahalaang Lungsod ay sumasalamin sa walang patid na dedikasyon nito sa operasyon ng ating maipagmamalaki at modernong MRF. Ang karangalang ito ay nagsisilbing inspirasyon at halimbawa para sa iba pang mga bayan at lungsod na nais pamarisan ang natatanging hakbang para sa kalikasan.

Patuloy na isinusulong ng Baliwag City ang iba’t ibang mga programa at proyekto para sa kapakanan ng kalikasan at mga Baliwagenyo, na ngayon ay kinikilala na sa buong rehiyon. Ito ay isang patunay ng kanilang masusing pagsusumikap at dedikasyon sa serbisyong may malasakit para sa kalikasan.