Naghandog ng libreng NC II Driving Review ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, sa pamamagitan ng Baliwag City Public Employment Service Office (PESO) noong ika-8 ng Hunyo, sa Baliwag Training Center.
Lumahok sa programa ang 15 ambulance drivers na binubuo ng kinatawan mula iba’t ibang barangay sa lungsod ng Baliwag at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na nakatakdang sumailalim sa assessment ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa kanilang NC II certification.
Ang libreng Driving Review for NC II ay isasagawa sa loob ng tatlong araw, na naglalayong hasain ang kakayahan ng mga ambulance drivers sa tamang pagmamaneho. Layunin din nitong mapabuti at mapabilis ang pagsagip at pagtulong sa mga nangangailangan.
Sa pangunguna ni City Mayor Ferdie V. Estrella, patuloy ang pagsuporta ng Pamahalaang Lungsod, sa pamamagitan ng Baliwag City PESO, upang makapaghandog ng kalidad na Serbisyong May Malasakit para sa kapakanan ng mga Baliwagenyo.
#BaliwagCity