Dahil sa mahalagang gampanin sa Barangay ng mga Violence Against Women (VAW) Desk para sa pagpapanatili ng kaayusan at nagsilbing frontliner sa pagbibigay ng serbisyo sa paglaban sa karapatan ng mga biktima na kababaihan na nakaranas ng karahasan. Mula P1,000, ay itinaas ni Mayor Ferdie ang kanilang monthly allowance sa P2,000 noong Enero 20.
Sabay-sabay na nag-courtesy call ang bawat officer ng mga Barangay sa lungsod na pinangunahan ng kanilang pangulo na si G. Marilou Arcega. Dito ay inilahad ang kahalagahan ng mga VAW Desk sa Barangay. Ito ay upang mas mabigyan sila ng dagdag na allowance dahil sa kanilang mahalagang gampanin sa pagbibigay serbisyo higit na sa karapatan ng mga kababaihan.
Ang Pamahalaang lungsod ng Baliwag, sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella, ay patuloy ang pagsuporta sa mga Barangay VAW Desk para sa kanilang maiging pagtutok sa mga kaso at reklamo ng karahasan sa mga kababaihan sa lungsod.
#BaliwagCity
#BaliwagCityVAWDesk