Sa adhikaing magpaabot ng tulong pinansyal sa mga Baliwagenyo nagsagawa ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) payout sa Pamahalaang Lungsod ng Baliwag katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na handog ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. noong ika-25 ng Nobyembre sa Sabang Elementary School Covered Court.
Sinadya ni Sen. Bong Revilla ang Lungsod ng Baliwag upang personal niyang maipamahagi ang ayuda na tig-P2,500 para sa 3,500 Baliwagenyo.
Nagpahayag ng kanyang mainit na pagbati si Mayor Ferdie sa AICS beneficiaries at nagpahayag din siya ng kanyang pasasalamat kay Sen. Bong Revilla Jr. na bumyahe at personal pang nagpa-abot ng kaniyang tulong para sa mga Baliwagenyo.
Gayundin, nagbigay ng mensahe si Mommy Sonia at nagpabatid ng kanyang pasasalamat para sa inisyatibong ito ni Sen. Bong Revilla na nakibahagi at nagpaabot ng tulong sa mga Baliwagenyo. Nagpabatid naman ang senador na bukas ang kaniyang tanggapan para sa kanila at makakaasa ang mga ito sa kaniyang tulong kung kinakailangan.
Samantala, dumalo rin sa programa ang mga konsehal na sina Kon. Bhang Imperial, Kon. Joel Pascual, Kon. Ogie Baltazar, Kon. Lowell Tagle, Kon. Ron Cruz “Bata”, Mr. Majorie Taruc, Mr. Ryan Maniquis at kinatawan ni Dr. K Dela Cruz.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, sa pangunguna ni Mayor Ferdie ay layon na mahandugan ang mga Baliwagenyo na tunay na nasa krisis na sitwasyon. Ito ay upang makapagbigay sa kanila ng dagdag na tulong para sa kanilang pang araw-araw na buhay.
#BaliwagCity
#AICSPayout