Batay sa isinagawang Certified Public Accountant Licensure Examination noong Disyembre 2024, 6 na bagong certified public accountants na mula sa Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag ang binigyang pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag kasabay ng lingguhang pagtataas ng watawat noong ika-6 ng Enero taong kasalukuyan.
Ayon sa datos ng tanggapan ng samahan ng alumni, ang Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag ay may naitalang 60.00% passing rate. Samantala, 30.17% ang naging overall performance ng kolehiyo.
Narito ang listahan ng pangalan ng mga naitalang CPA Passers:
- Janine F. Cruz
- Maui Jhoy Y. Francisco
- Bernadette M. Sacdalan
- Jaireen Claire T. Santiago
- John Carlo SJ. Sipin
- Lycca Mae A. Viado
Sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag katuwang ang Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag ay patuloy ang pagsuporta at pagpapahalaga sa tagumpay ng mga mag-aaral at alumni. Ang kanilang pinakitang husay at dedikasyon sa kani-kanilang napiling propesyon ay tunay na dapat bigyang-pagkilala bilang patunay na patuloy ang pagtutok sa antas ng edukasyon sa lungsod.