Sa ikalawang anibersaryo ng pagiging ganap na lungsod ng Baliwag, idinaos noong ika-17 ng Disyembre, ang Baliwag City 2nd Anniversary Concert na dinagsa ng libo-libong manonood, hindi lamang mula sa lungsod, kundi maging ng mga turista sa mga karatig-lugar.
Tampok sa programa ang performances mula kina Joey G., Dionela, at Silent Sanctuary, na nagbigay ng ‘di malilimutang gabi ng musika at inspirasyon.
Hindi rin nagpahuli ang mga lokal at homegrown bands ng Baliwag na nagdala ng kanilang talento sa entablado, pinatunayan ang husay at galing ng mga Baliwagenyo sa sining at musika.
Bukod sa kasiyahan, patuloy ding pinatutunayan ng pamahalaang lungsod, sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella, na ito ay hindi lamang pagdiriwang ng nakalipas na tagumpay kundi isang panata na itutuloy ang kaunlaran para sa isang mas maliwanag na kinabukasan.
#BagongBaliwag
#BaliwagCity2ndAnniversary