Kasabay ng pagdiriwang ng National Children’s Month ngayong Nobyembre, ginanap ang State of the Children’s Address ni Mayor Ferdie Estrella ngayong taon para bigyang kahalagahan ang kapakanan at karapatan ng mga kabataang Baliwagenyo, noong ika-26 ng Nobyembre, sa Waltermart Baliwag.
Dito ay ibinahagi niya ang mga programang inilatag ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag para sa mga batang Baliwagenyo mula nang sila ay isilang hanggang sa kanilang paglaki. Binigyang-diin din niya ang patuloy pagsusulong ng four basic rights ng mga bata ayon sa itinatadhana sa United Nations Convention on the Rights of the Child, at pinirmahan ng Pilipinas—karapatang mabuhay at mapaunlad ang sarili, karapatang makilahok, karapatang maproteksyunan.
Nagbigay-ulat din si Mayor Ferdie patungkol sa bilang ng mga batang mamamayan na naserbisyuhan ng libreng bakuna, supplements, at treatment para sa taong 2024 na umabot na sa sa bilang na humigit 34,000 bata.
Ipinakilala rin niyang muli ang Mobile Kusina bilang pinakabagong proyektong inilunsad ngayong taon na naghahatid ng hot meals sa mga barangays na nasalanta ng kalamidad o sakuna. Sa mga regular na araw, naghahatid naman ito ng libreng almusal at nutri-packs para sa mga bata, buntis at maging sa mga senior citizens tuwing High FVE Caravan sa Barangay.
Suportado rin ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag ang karapatang pang-edukasyon ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagtatayo ng 34 Early Child Care Development (ECCD) Centers, 23 public elementary schools, 6 junior public high schools, 4 senior public high schools, at 1 community college. Lahat po ito, libre ang tuition fee, walang babayaran.
Para naman mas palakasin ang karapatang makilahok sa mga gawain upang higit na malinang ang iba pang kakayahan at talento ng mga munting mamamayan sa Baliwag, naglunsad din ng iba’t ibang programa ang pamahalaang local tulad ng Summer Saya Program, kung saan nahandugan sila ng libreng voice lessons, arts workshop, at sports clinic, gayundin ang Laro at Likha Program, na napakinabangan ng 132 para sa libreng pagsasanay para sa voice coaching, drawing, painting, at photography workshops.
Bilang pangangalaga naman sa kanilang kaligtasan at karapatan kontra pang-aabuso, umalalay ang Pamahalaang Lungsod sa 43 cases of Children-At-Risk at Children In-Conflict with the Law. Sa mga sitwasyong tulad nito, naka-suporta ang social workers at accredited family counselors para magkaloob ng group counseling, monitoring and family dialogue. Nagkaloob din ng financial assistance sa 39 pamilya na biktima ng pang-aabuso.
Dahil sa iba’t ibang inisyatibong ito, ipinahayag niya ang kanyang kagalakan sa mga parangal na natanggap ng pamahalaan bilang pagpupursigi na maghandog ng Serbisyong May Malasakit sa mga kabataang Baliwagenyo. Kabilang na rito ang pagkahirang sa lungsod bilang 2023 Regional, outstanding local government unit (LGU) circle pagdating sa Green Banner Award para sa nutrisyon, na naipagkaloob sa mula 2019, at 2021 hanggang 2024. Kasabay nito, hinirang din ngayong taon ang City Nutrition Officer, Ma’am Brenda Balaga bilang 2023 Outstanding City Nutrition Action Officer Award (CNAO).
Sa pangunguna ni Mayor Ferdie, patuloy ang Pamahalaang Lungsog na maglalaan ng panahon, lakas, at puso para maibigay nang maayos, ligtas at matiwasay na buhay sa paglaki ng mga batang Baliwagenyo at upang lumalaki silang responsable, matino, at may pagmamalasakit sa kanilang kapwa.
#BaliwagCity
#NationalChildrensMonth2024
#StateOfTheChildrensMonth2024