Sa patuloy na pagsulong ng masaganang ani sa sektor ng agrikultura sa lungsod ng Baliwag, opisyal nang binuksan ang Kadiwa ng Pangulo sa Lungsod ng Baliwag na may temang “Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita”, noong ika-27 ng Nobyembre sa Baliwag City Hall Ground.

Pormal na binuksan ang Kadiwa ng Pangulo sa pamamagitan ng ribbon cutting na pinangunahan ni Mayor Ferdie V. Estrella, Baliwag City Agriculture Head Ms. Elenita Hernandez, Department of Interior and Local Government (DILG) Head Engr. Ailyn Bondoc, Baliwag City Economic Enterprise Affairs Office (CEEAO)  Head Ms. Karen Joy Rivera, at nakiisa rin ang mga konsehal na sina Kon. Bhang Imperial at Kon. Kenneth Cruz.

Naghanda ng mga iba’t ibang klase mga dekalidad na gulay, prutas, bigas at produkto na makakasiguro na sariwa at bagong ani lamang ng mga Baliwagenyo local farmers na mabibili sa abot-kayang halaga. Malaya ring makakapamili ang mga Baliwagenyo ng mga produkto sa mga bukas na stalls. Bukas ang pamilihan mula alas 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Layon ng programa na ito na maipriyoridad ang mga nagtatanim nating Baliwagenyo na maibenta ang kanilang pananim.

Para makasunod sa susunod na schedule, tumutok lamang sa official facebook ni Mayor Ferdie at Baliwag City PIO para sa susunod na schedule ng Kadiwa ng Pangulo sa Lungsod ng Baliwag.

Ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, sa pangunguna ni Mayor Ferdie ay patuloy ang pagsuporta sa mga programa upang mapataas ang antas ng sektor ng agrikultura at pagsasaka sa Lungsod ng Baliwag. Sa gayon ay matulungan ang mga Baliwagenyong magsasaka at nagtatanim na madagdagan ang kanilang kita at kabuhayan para sa masaganang ani.

#BaliwagCity

#KadiwaNgPanguloSaLungsodNgBaliwag