Muling magniningning ang Lungsod ng Baliwag ngayong papalapit na kapaskuhan dahil sa darating na Lunes, November 25, ika-4 ng hapon ay muling paiilawan ang Baliwag City Christmas display kung saan tampok dito ang 40-ft Giant Christmas Tree at ang pinakabagong Giant Lantern na sumasabay sa indak ng mga pamaskong musika. Bida rin ngayong taon ang iba’t ibang ibang palamuti sa buong City Hall compound.
Present din ang inyong paboritong Food Bazaar, tampok ang ipinagmamalaking bibingka, puto bumbong, bicho-bicho at iba pang espesyal na pagkaing tatak Baliwagenyo, para pagsaluhan kasama ang inyong pamilya o barkada.
Matutunghayan din ang pagtatanghal ng mga natatanging Baliwagenyo, at fireworks display para magbigay buhay sa gaganaping Christmas Display Lighting.
Markahan na ang inyong kalendaryo, halina’t sabay-sabay na ipagdiwang ang diwa ng Paskong Baliwagenyo na tiyak na maghahatid ng saya at galak sa inyong puso’t damdamin.
#BaliwagCity
#PaskongBaliwagenyo