MABALACAT CITY, PAMPANGA — Humakot ng parangal ang Lungsod ng Baliwag sa idinaos na 2024 Provincial and Regional Best Gulayan sa Barangay Program (GSB) Implementer cum High Value Crops Achievers’ Award (HVCAA), nitong ika-21 ng Nobyembre sa Royce Hotel, Mabalacat City, Pampanga.

Nakatanggap ng sertipiko ng pagkilala at plaque ang Baliwag City sa ginanap na awarding ceremony. Samantala, itinanghal din si Mayor Ferdie V. Estrella bilang Best Mayor sa Regional Level Category dahil sa kaniyang patuloy na pagsuporta sa Barangay Calantipay Luntiang Pangarap Community Garden Project entry sa Gulayan sa Barangay.

Sumungkit din ng maraming parangal ang Barangay Calantipay sa pangunguna ni Kap. Cecilia T. Tolentino dahil sa bukod tangi nitong pagpapatupad ng Luntiang Pangarap Community Garden.

Matatandaang noong ika-17 ng Oktubre ay sumailalim ang Barangay Calantipay sa ginanap na Gulayan sa Barangay 2024 Regional Evaluation para sa pagpapatuloy ng pamayanang masagana, may sapat at sariwang pagkain para sa mamamayan ng Brgy. Calantipay.

Ang Regional Evaluation na ito ay joint project ng Department of Agriculture (DA) – Region III, Provincial Government of Bulacan, City of Baliwag, at Barangay Calantipay.

Sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella, ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag ay patuloy ang adhikaing isulong ang agrikultura sa lungsod. Ang parangal na nakamit ng lungsod ay isang patunay na ang Baliwag City ay matagumpay na isinusulong sa lungsod ang maayos na takbo ng agrikultura para sa mga Baliwagenyo.

#BaliwagCity

#BestGulayanSaBarangayImplementer