Sa adhikaing isulong ang inclusive, sustainable, and digitally-transformed ang Baliwag City, binisita ng Development Academy of the Philippines (DAP) ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag upang magsagawa ng Bulacan Rapid Smart Cities Assessment Validation Workshop noong Nobyembre 19-20 na ginanap sa Kalikasan Hall 8 Waves Waterpark and Hotel San Rafael, Bulacan.
Dumalo sa workshop ang bumubuo ng Baliwag City Smart City Technical Working Group sa pangunguna ni Mayor Ferdie Estrella, City Administrator, Enrique V. Tagle, mga pinuno mula sa iba’t ibang tanggapan sa lungsod, gayundin ang mga kinatawan mula sa mga pribadong kompanya tulad ng Converge, SM City Baliwag, Baliwag Water District, Meralco, at mga organisasyon sa Baliwag City kabilang ang Tricycle Operators and Drivers Association (TODA), Jeepney Operation and Drivers Association (JODA).
Layon ng pagsasanay na alamin at suriin
Bahagi ng pagsasanay ay hinati sa anim na grupo ang bawat tanggapan para sa mga kategoryang Smart People, Smart Governance, Smart Economy, Smart Environment, Smart Living, at Smart Mobility.
Tinalakay sa workshop ang mga
Sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella, patuloy ang pagsuporta sa layunin ng ginanap na Smart Cities assessment na suriin ang kahandaan ng lungsod, sa pamamagitan ng mga itinakdang smart city indicators na gabay para sa bawat lokal na pamahalaan.
#BaliwagCity
#SmartCitiesAssessmentValidation