Mga nagwagi sa Ico and Lety Cruz Art Competition 2024, pinarangalan
Mga nagwagi sa Ico and Lety Cruz Art Competition 2024, pinarangalan

Ico and Lety Cruz Art Competition 2024 Special Edition ay ginanap noong ikaw-13 ng Nobyembre sa Simbahan ng San Agustin at Lumang Munisipyo at nilahukan ng 59 na mga alagad ng sining mula iba’t ibang bayan at lungsod sa Bulacan. Ang kompetitsyon ay on-the-spot drawing at painting kung kaya naman ang mga nagsilahok ay nilikha ang kanilang obra sa loob lamang ng apat na oras.

 

Noong hapon din ay pinarangalan ang mga nagsipagwagi. Si Melchor Bernaldo ang nagkamit ng unang gantimpala at pinagkalooban ng Php 30,000, tropeyo, at sertipiko. Si Nilo Badajos naman ang ginawaran ng ikalawang gantimpala at tumanggap ng Php 20,000.00, tropeyo, at sertipiko. Samantalang ang ikatlong gantimpala ay iginawad kay Maria Lourdes Inosanto na nagkamit ng Php 10,000, tropeyo, at sertipiko. Apat naman ang pinagkalooban ng tig-Php 3,000 at sertipiko bilang mga runner-up . Sila ay sina Henry Hao Ordoña, Edel Santiago, Jake Gian S. Aquino at Mark Bryan Hipolito.

 

 

 

Ang mga likhang sining ng mga lumahok ay kasalukuyang naka-eksibit sa Museo ng Baliwag. Maaari itong bisitahin hanggang Nobyembre 29, 2024.

 

 

 

 

 

 

#BaliwagCity

#IcoAndLettyCruzArtCompetition2024