Pasok ang 5 Baliwagenyong lingkod barangay sa mga finalists ng ika-23 Gawad Galing Barangay. Gaganapin ang araw ng parangal sa Hiyas ng Bulacan Convention Center – The Pavilion, Malolos City, sa darating na Oktubre 17.

Kabilang sa mga finalists mula sa lungsod ang mga sumusunod:

• Lingkod Lingap sa Nayon: Ma. Lourdes G. Cartajena ng Barangay Concepcionn

• Alona G. Mangulabnan – Mother Leader (Brgy. Concepcion)
• Mother Leader: Jamaica F. Ramirez ng Barangay Concepcion
• Barangay Training and Employment Coordinator: Rosemarie J. Estrellado ng Barangay Pagala
• Barangay Tanod: Reychie A. Garcia ng Barangay Santo Cristo

Ang Gawad Galing Barangay ay isang taunang programang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na nagbibigay parangal sa mga natatanging gawain ng mga barangay na nagpapakita ng inobasyon at kahusayan sa serbisyo publiko. Ang mga magwawagi ay ihahayag sa mismong araw ng seremonya, kaya’t inaasahang magiging masigla at puno ng sorpresa ang naturang kaganapan.

Sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella, patuloy ang pagsuporta ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag sa mga opisyal at kawani ng barangay upang mas paghusayin ang paghahandog ng Serbisyong May Malasakit para sa mga Baliwagenyo sa kani-kanilang mga nasasakupang komunidad.