Ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, sa pangunguna ni Mayor Ferdie, at sa pamamagitan ng Baliwag City Arts, Culture, and Tourism Office (CACTO), ay muling magsasagawa ng special edition ng Ico and Lety Cruz Art Competition, na may temang “Sining at Pananampalataya”, na gaganapin sa darating na ika-13 ng Nobyembre, sa St. Augustine Parish Church.
Narito ang mga mahahalagang gabay para sa pagsali sa patimpalak:
- Lahat ng interesadong participants ay kailangang magpasa ng accomplished form sa darating o bago mag-Nobyembre 6, 2024. Ang accomplished form ay maaaring personal na ipasa sa Museo ng Baliwag o i-email sa icoandletycruzartcompetition@gmail.com na may subject heading na 2024 Ico and Lety Cruz Art Competition | On-the-spot Category o sa pamamagitan ng pagsasagot at pagpapasa ng Google Form https://forms.gle/X2JbTNB1HMPpkfsk9. Hindi tatanggap ng participants sa araw ng kompetisyon na hindi nagsagawa ng pre-register.
- Ang aktwal na kompetisyon ay gaganapin sa Nobyembre 13, 2024. Magsasagawa ng lecture mula alas 7:00 ng umaga hanggang 8:00 ng umaga, at magsisimula ang kompetisyon ng alas 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali na gaganapin sa St. Augustine Parish Church, Poblacion, Baliwag City, Bulacan. Ang lahat ng natapos na artworks ay kailangang maipasa ng 12:00 ng tanghali.
Narito ang maaaring lumahok sa kompetisyon:
- Ito ay bukas sa mga artists na nagmula sa iba’t ibang bayan sa Lalawigan ng Bulacan at naninirahan sa Bulacan na may isang taon o mahigit na.
- Mula edad 16 pataas (as of November 6, 2024)
- Ang mga nagwagi bilang Hall of Famers at mga nanalo ng mga major prizes para sa tatlong magkakasunod na taon ay hindi na maaaring sumali.
Art Entry Requirements and Specifications:
- Ang subject para sa kategoryang ito ay dapat ukol sa temang “Sining at Pananampalataya”.
- Ang mga pinahihintulutang mediums na gagamitin sa patimpalak ay ang mga sumusunod: oil, acrylic, watercolor, colored pencil, charcoal and graphite, ball point, and marker. Ang pinahihintulutang supports na gagamitin ay ang mga sumusunod: canvas, board, watercolor paper, o kahit na anong workable paper.
- Ang size ng artwork ay dapat 18 inches x 24 inches.
- Ang matatapos na artwork ay hindi dapat pirmahan o lagyan ng kahit na anong marka na pagkakakilanlan ng artist.
Ang magwawagi sa patimpalak ay makakapag-uwi ng cash prize at tropeyo na mula sa Baliwag City Arts, Culture, and Tourism Office (CACTO).
First Prize: PHP30,000 at tropeyo
Second Prize: PHP20,000 at tropeyo
Third Prize: PHP10,000 at tropeyo
Layunin ng programa na ito na mahubog at maipamalas ng mga Bulakenyo artists ang kanilang mga talento sa larangan ng sining. Bilang patuloy na suporta sa larangan ng sining ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Ferdie, ay isasagawa ang ganitong kompetisyon.
#BaliwagCity