Nagtipon ang mga kawani at volunteers sa bawat barangay sa Lungsod ng Baliwag na binubuo ng mga Mother Leaders, Lingkod Lingap sa Nayon (LLN), at Barangay Health Workers (BHW), upang makiisa sa Barangay Workers Assembly na inorganisa ng Baliwag City Nutrition’s Office, noong ika-1 ng Oktubre, sa CCF Baliwag, Eminent Place, Barangay Pagala.

Dito ay tinalakay ni Ms. Rose Ann Cuyco mula sa Nutrition Office ang mga itinakdang rules and functions ng pagiging isang kawani ng barangay. Ito ay upang mas palawakin pa ang kanilang mga nalalaman ukol sa iba’t iba nilang mga gawain at responsibilidad.

Nagbahagi rin ng words of God ang pastors mula sa CCF Baliwag para mas mapalalim ang espiritwal na pananampalataya ng mga nagsidalo sa assembly, gayundin ang empowerment at boosting of self-love para sa bawat isa.

Matapos ito ay nagsagawa naman ng workshop ang mga LLN, BHW, at Mother Leader, na naglalaman ng iba’t ibang aktibidad, upang mas pagtibayin ang kanilang mga panibagong kaalaman mula sa programa.

Nagbahagi naman ng kanilang mga makabuluhang mensahe sina Mayor Ferdie V. Estrella at Mommy Sonia Estrella, upang mas patatagin at palakasin ang pagkakaisa ng mga barangay workers sa paghahandog ng Serbisyong May Malasakit sa mga Baliwagenyo.

Samantala, kabilang din sa mga dumalo sa nasabing aktibidad ay sina Kon. Joel Pascual, Kon. Ron “Bata” Cruz, Kon. Kenneth Cruz, Kon. Ogie Baltazar, at Kon. Bhang Imperial.

#BaliwagCity

#SerbisyongMayMalasakit